--Ads--
Patuloy na sumisipa ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Sa unang apat na araw ng trading ngayong linggo, tumaas ng P4.60 kada litro ang diesel, P3.90 ang gasolina, at P4.50 ang kerosene.
Nagsimula ang pagtaas matapos ang US strike sa Iran at mga ganting-atake sa Middle East, na nakaapekto rin sa operasyon ng Strait of Hormuz, isang pangunahing ruta ng suplay ng langis sa mundo.
Dahil dito, nangangamba ang mga eksperto sa patuloy na pagtaas ng presyo ng enerhiya at inflation.
--Ads--










