--Ads--

Ibinunyag ng US military ang matagumpay na airstrike nila sa tatlong oil tankers ng Iran.

Ayon as US Central Command (Centcom) na kanilang tuluyang nawasak ang mga tanker na makikita sa Kharg Island at ang isa ay sa Strait of Hormuz habang tuluyang nasira nila ang ikatlo na matatagpuan sa Gulf of Oman.

Naiwasan din nila ang ginagawang pag-atake ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC)sa kanilang US aircraft carrier at guided-missile destroyer.

Wala namang nasawi o nasugatan sa panig ng US.

--Ads--

Ibinabala ni Admiral Brad Cooper ang commander ng CentCom na hindi sila magdadalawang isip na gantihan ang Iran sakaling atakihin nila ang mga barko ng US.

Ang Centcom kasi ay siyang nangangasiwa sa mga military operations ng US sa Gitnang Silangan.