--Ads--

Hindi bababa sa limang katao ang nasawi matapos masunog ang MV June Aster sa karagatang sakop ng Coron, Palawan nitong Miyerkules, Setyembre 9.

Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, 42 katao na ang nailigtas mula sa insidente, batay sa huling ulat ni Coast Guard Captain Noemi Cayabyab.

Batay sa passenger manifest, nasa 134 ang kabuuang bilang ng mga pasahero at crew na sakay ng ferry.

Patuloy naman ang search and rescue operations ng mga awtoridad para hanapin ang mga nawawala na tinatayang nasa 87 indibidwal.

--Ads--