--Ads--

Tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes, Setyembre 15, 2026, batay sa ipinatupad na weekly price adjustment ng mga kumpanya ng langis.

Tumaas ng P5.68 kada litro ang gasolina, P4.31 kada litro ang diesel at P4.62 kada litro naman ang kerosene.

Ayon sa Department of Energy o DOE, bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ang malaking dagdag-presyo.Ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang kanilang price adjustments simula madaling-araw ngayong Martes, na nagdulot ng dagdag-gastos para sa mga motorista at iba pang consumers.