--Ads--
Tuluyang nabigo ang kampanya ng Gilas Pilipinas para sa back-to-back Asian Games title matapos tambakan ng China, 105-61, sa kanilang Group C matchup sa men’s basketball event ng 2026 Aichi-Nagoya Asian Games.
Dahil sa 44-point na pagkatalo, tuluyan nang nawala ang tsansa ng Gilas na makausad sa quarterfinals bilang pinakamahusay na third-placed team.
Nanguna si Calvin Oftana para sa Pilipinas sa naitalang 13 puntos, habang nagdagdag si Sedrick Barefield ng siyam na puntos at apat na assists.
Nahirapan ang Gilas laban sa depensa ng China at nagtapos lamang sa 32 porsiyentong shooting mula sa field, habang nanaig ang China sa rebounding, 55-36.
--Ads--
Pinangunahan naman ni Wang Junjie ang China sa kanyang 20 puntos at 14 rebounds.











