Pinangunahan ng IV of Spades, SB19 at Dionela ang mga nagkamit ng mahahalagang parangal sa 39th Awit Awards, na dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa Original Pilipino Music o OPM.
Nakuha ng IV of Spades ang Album of the Year para sa Andalucia at Song of the Year para sa Aura.
Tatlong parangal naman ang naiuwi ni Dionela para sa Ikigai kasama si Loonie, kabilang ang Best Collaboration, Best R&B Recording at Best Rap/HipHop Recording.
Samantala, nagwagi rin ang SB19 ng tatlong awards para sa Dungka!, kabilang ang Best Music Video, Best Pop Recording at Best Dance/Electronic Recording.
Dalawang parangal naman ang natanggap ng Ben&Ben, habang kinilala si Janine Berdin sa Best Ballad Recording at Best Performance by a Solo Artist.
Sa Abril 2027, gaganapin ang ika-40 anibersaryo ng Awit Awards.









