--Ads--
Gumawa ng kasaysayan ang Filipino supergroup na SB19 matapos maging kauna-unahang Filipino act na nagtanghal sa prestihiyosong Lollapalooza music festival sa Chicago, Estados Unidos.
Pinahanga ng grupo ang mga manonood sa kanilang pagtatanghal ng mga hit na “DAM,” “Gento,” “MAPA,” “Wakas,” “VISA,” “Dungka,” at “Crimzone,” kabilang ang unang live performance ng kanilang bagong awiting “Lawless.”
Naging emosyonal din ang pagtatanghal ng “MAPA” habang sabay-sabay na umawit ang mga tagahanga at iwinagayway ang mga bandila ng Pilipinas.Kasunod nito, naging trending sa X ang “SB19PALOOZA FESTIVAL,” habang bumuhos ang pagbati mula sa mga tagahanga at kapwa OPM artists, kabilang ang bandang Ben&Ben.










