Binangga ng isang barko ng China Coast Guard (CCG) ang sasakyang-pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nagsasagawa ito ng fuel subsidy mission para sa mga mangingisdang Pilipino sa karagatan sa labas ng Palawan nitong Biyernes, Setyembre 18.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), tinamaan ng CCG vessel na may bow number na CCG-21585 ang BRP Datu Magat Salamat dakong alas-11:13 ng umaga.
Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na nakumpirma ang pinsala sa kanang bahagi ng barko, kabilang ang nabaluktot at naputol na railings, nasirang support structures, at nagkalat na debris sa deck.
Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at tinatasa ang kabuuang pinsalang natamo ng BFAR vessel.










