--Ads--

Kinumpirma ni Securities and Exchange Commission o SEC Company Registration and Monitoring Department Director Gerardo Del Rosario na ang pagmamay-ari ng shares sa isang kumpanya ay itinuturing na ebidensya ng participation sa negosyo.

Sa impeachment trial nitong Martes, tinanong ni Senator-judge Raffy Tulfo si Del Rosario kung ang stock ownership, anuman ang porsyento, ay maituturing na participation sa negosyo. Sinang-ayunan ito ng SEC official.

Ayon kay Del Rosario, ipinagbabawal ng Article VII, Section 13 ng 1987 Constitution sa Pangulo, Bise Presidente at ilang matataas na opisyal ng gobyerno ang paglahok sa anumang negosyo habang nasa puwesto.

Nauna nang sinabi ng SEC witness na nanatiling board member ng Metro City Chow Foods Corporation si VP Sara Duterte hanggang 2025, matapos siyang mahalal at maupo bilang bise presidente.

--Ads--

Bahagi ng testimonya ni Del Rosario ang pagsusuri sa corporate ownership at business interests ni Duterte kaugnay ng Article II ng impeachment complaint.