--Ads--

Arestado ng mga awtoridad ang isang Most Wanted Person na may kinakaharap na kasong rape sa isinagawang operasyon sa Barangay Batal, Santiago City, bandang alas-9:40 ng umaga noong Setyembre 20, 2026.

Kinilala ang nadakip na akusado sa alyas na Carlo, 20 anyos, binata, walang trabaho at residente ng Santiago City.

Isinagawa ang pag-aresto ng mga tauhan ng Traffic Enforcement Unit o TEU bilang lead unit, katuwang ang Police Station 4 ng Santiago City Police Office, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Setyembre 17, 2026.

Ang mandamiento de aresto ay inilabas ni Hon. Nicasio B. Bautista III, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 21, Santiago City, kaugnay ng Criminal Case No. 21-16312-FC.

--Ads--

Wala namang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Nakatulong sa matagumpay na pagkakadakip ang e-Warrant system na ginagamit ng pulisya sa pag-track at pagtukoy sa mga indibidwal na may umiiral na warrant of arrest.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 4 ang akusado habang hinihintay ang pormal na pagturn-over sa korte na naglabas ng warrant.

Ipinaalam din sa kanya ang dahilan ng kaniyang pagkakaaresto, gayundin ang kaniyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine.