--Ads--

Muling bumaba ang presyo ng langis sa world market sa ikatlong araw ng trading, dahilan upang lumakas ang posibilidad ng rollback sa presyo ng petrolyo sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Batay sa unang tatlong araw ng trading, bumaba ng ₱7.40 kada litro ang diesel, ₱1.80 sa gasolina at ₱6.70 sa kerosene.

Ayon sa mga ulat, nakatuon ang mga merkado sa posibilidad ng muling pag-uusap sa pagitan ng United States at Iran, na nagpalakas sa outlook para sa suplay ng langis.

Matatandaang tatlong magkakasunod na linggo nang tumaas ang presyo ng petrolyo sa Pilipinas, kung saan lumampas sa ₱18 kada litro ang itinaas ng diesel at ₱15 naman sa kerosene mula Setyembre 8 hanggang 22.

--Ads--