--Ads--
Umabot na sa 114 ang mga referral para sa imbestigasyon ng mga aplikasyon sa probation sa Cauayan City sa unang siyam na buwan ng taong 2026.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pedro Almeda Jr., Chief Probation and Parole Officer ng Cauayan City Parole and Probation Office, sinabi niya na kabilang dito ang mga kaso o aplikanteng nire-refer ng korte sa kanilang tanggapan upang sumailalim sa imbestigasyon at assessment bago makapagbigay ng rekomendasyon para sa probation.
Sa ikatlong quarter ng 2026, o mula Hulyo hanggang Setyembre, nakatanggap ang kanilang tanggapan ng 36 na referral mula sa korte.
Sa nasabing bilang, 13 ang related cases, habang 23 naman ang non-related cases.
--Ads--











