--Ads--

Ligtas ang halos 200 Pilipino na naninirahan sa Panama matapos yanigin ng magnitude 7.7 na lindol ang naturang bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Consul Ralf Roldan, First Secretary and Consul of the Embassy of the Philippines in Mexico, sinabi nito na karamihan ng mga Pilipino na nasa Panama ay nasa Panama City at malayo ito sa epicenter ng lindol.

Gayunman, naramdaman pa rin ang pagyanig sa kabisera subalit hindi naman ito nagdulot ng matinding pinsala o epekto sa mga Pilipino roon.

Aniya, sa susunod na Linggo ay nakatakda sanang magkaroon ng national earthquake drill sa Panama subalit naunahan ito ng malakas na lindol na yumanig sa bansa ngayong araw.

--Ads--

Tiniyak naman ni Roldan na nakahanda ang embahada sa anumang tulong na maaaring maipaabot sa mga Pilipino roon na mangangailangan ng tulong.