--Ads--

Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Martes na nakalabas na umano ng Pilipinas ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na itinuturong utak sa pagkawala ng ilang sabungero.

Ayon kay Remulla, dumaan umano si Ang sa “backdoor” upang makalabas ng bansa.

Matatandaang noong Hulyo, sinabi ng Philippine National Police na bineberipika pa nila ang mga ulat na nakatakas na sa Pilipinas ang negosyante.

Nahaharap si Ang sa mga kasong kidnapping with homicide, gayundin sa kidnapping at serious illegal detention, kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero. Kabilang sa mga korte na humahawak sa mga kaso ang mga nasa Sta. Cruz, Laguna; Lipa, Batangas; at San Pablo, Laguna.

--Ads--

Hindi na umano nakita si Ang mula Enero 2026.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkawala ng mga sabungero.