--Ads--
Nagkaroon ng magkakasalungat na galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo mula ngayong araw ng Martes, Oktubre 27, hanggang Nobyembre 2, 2026, kung saan bumaba ang presyo ng gasolina habang tumaas naman ang diesel at kerosene.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, nabawasan ng ₱0.30 kada litro ang presyo ng gasolina.
Samantala, nadagdagan naman ng ₱1.20 kada litro ang presyo ng diesel at ₱0.50 kada litro ang kerosene.
Nitong nakaraang linggo, nagkaroon din ng magkakaibang galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo, kung saan bumaba ang presyo ng gasolina at kerosene habang tumaas nama n ang diesel.
--Ads--











