--Ads--

Naranasan ng mga motorista ang panibagong pagtaas sa presyo ng gasolina na umabot sa ₱3.50 kada litro simula ngayong Martes, Nobyembre 3, habang nagkaroon naman ng bawas-presyo sa diesel at kerosene sa unang linggo ng Nobyembre.

Batay sa abiso ng Department of Energy (DOE), ₱3.50 kada litro ang itinaas sa presyo ng gasolina, habang ₱1 kada litro naman ang ibinawas sa diesel at ₱1.90 kada litro sa kerosene.

Samantala, nakat ulong naman sa pagbaba ng presyo ng diesel ang mas maayos na outlook sa suplay, kabilang ang paglabas ng stock reserves at pagdami ng exports mula China at Russia.

Tiniyak naman ng DOE na sapat ang suplay ng produktong petrolyo sa bansa, na may fuel inventory na katumbas ng 52.95 araw.

--Ads--