--Ads--

Wala pang nakikitang posibilidad ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpatupad ng interest rate cuts sa gitna ng inaasahang pananatiling mataas ng inflation sa susunod na dalawang taon.

Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., mananatiling mahigpit ang monetary policy hangga’t hindi nakikitang tuluy-tuloy ang pagbaba ng inflation patungo sa target ng central bank.

Paliwanag ni Remolona, pangunahing binabantayan ng Monetary Board ang core inflation upang matukoy kung kinakailangan pang magtaas ng interest rates.

Matatandaang nagpatupad ang BSP ng 0.5 percentage point na dagdag sa key interest rate noong Oktubre, kaya umakyat ito sa 5.5 percent.

--Ads--

Samantala, posibleng pumalo sa 8.2 percent ang inflation sa Nobyembre o Disyembre dahil sa pagtaas ng pamasahe, presyo ng LPG at singil sa kuryente, ayon sa isang pribadong economist.

Inaasahang ilalabas ng Philippine Statistics Authority ang opisyal na inflation rate para sa Oktubre sa Nobyembre 5.