--Ads--
Bumawi ang halaga ng piso laban sa dolyar at nagsara sa P62.97 kada dolyar nitong Huwebes, mas malakas ng 56.5 sentimos kumpara sa P63.535 noong Miyerkules.
Ayon sa ekonomista, nakatulong sa pag-angat ng piso ang paghina ng dolyar, pagbaba ng presyo ng langis at US Treasury yields kasunod ng panalo ng Democratic Party sa US midterm elections.
Dagdag rito, umaasa ang mga mamumuhunan na mapabibilis ng pagkapanalo ng Democrats ang mga hakbang upang wakasan ang digmaan sa Iran at Middle East.
Gayunman, posible pa ring magkaroon ng panandaliang pagbabago sa halaga ng piso matapos ang mabilis nitong pag-angat sa merkado.
--Ads--











