Umabot sa ₱628.19 bilyon ang kabuuang investment commitments na inaprubahan sa Pilipinas noong ikatlong quarter ng 2026, mas mataas ng 82.7 porsiyento kumpara sa ₱343.81 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, ₱462.16 bilyon mula rito ay nagmula sa mga lokal na mamumuhunan, habang mahigit doble naman ang foreign investment pledges na umabot sa ₱166.03 bilyon.
Pinakamalaking dayuhang mamumuhunan ang Taiwan na may ₱76.27 bilyon, sinundan ng Singapore at South Korea.
Pinakamaraming investment commitments ang napunta sa sektor ng kuryente at iba pang utilities, real estate at manufacturing. Inaasahang makalilikha ang mga aprubadong proyekto ng halos 27,800 trabaho sa bansa.
Nilinaw na ang mga naturang halaga ay mga investment commitment na inaprubahan ng mga ahensiya ng pamahalaan at hindi pa nangangahulugang aktuwal nang naipapasok ang lahat ng ipinangakong puhunan.











