Itinuturing ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na pinakamagandang kampanya ng Pilipinas sa Youth Olympic Games (YOG) ang pagkakamit nina Naomi Marjorie Cesar at Pi Durden Forward Wangkay ng silver at bronze medals sa athletics event.
Ayon kay Tolentino, patunay ito na kayang makipagsabayan ng mga batang atletang Pilipino sa matataas na antas ng international competition, bagama’t kinailangan nilang harapin ang mas malalaki, mas malalakas at mas mabilis na mga katunggali.
Nahigitan ng dalawang medalya ang mga naunang podium finish ng bansa sa YOG, kabilang ang silver ni Christian Tio noong 2018 at gold ni Luis Gabriel Moreno sa mixed NOC archery noong 2014, na hindi opisyal na ibinilang sa medal tally.
Dahil dito, iginiit ni Tolentino ang pangangailangang palakasin ang grassroots sports program at patuloy na tumuklas ng mga batang atletang may dugong Pilipino sa iba’t ibang bansa.
Susunod namang paghahandaan ng POC ang Southeast Asian Games Youth Plus na gaganapin sa Pilipinas sa Disyembre 2027, tampok ang 23 sports para sa mga atletang edad 16 pababa.
Nanguna ang China sa medal standings ng Dakar YOG na may 17 gold, walong silver at pitong bronze medals, kasunod ang Japan at Russian Federation.











