--Ads--

Nagbabala ang World Food Programme (WFP) sa posibleng pagkaantala o pagbawas ng tulong na pagkain para sa karagdagang 7.3 milyong katao dahil sa patuloy na mga digmaan sa Middle East at Ukraine.

Ayon kay WFP Executive Director Luke Lindberg, maaaring umabot sa 727 milyong dolyar ang karagdagang gastusin ng ahensya pagsapit ng kalagitnaan ng 2027 dahil sa pagtaas ng gastos sa transportasyon at paghihigpit sa mga pangunahing rutang pandagat.

Kabilang sa mga rutang apektado ang Strait of Hormuz, Bab el-Mandeb Strait at Black Sea, na mahalaga sa pandaigdigang kalakalan ng pagkain at mga agricultural products.

Binigyang-diin ni Lindberg na nasa 266 milyon na ang bilang ng mga taong nakararanas ng matinding gutom sa buong mundo, habang nanganganib din sa taggutom ang ilang bahagi ng Sudan, South Sudan at Somalia.

--Ads--

Lalo pang nagpapalala sa sitwasyon ang pagtaas ng presyo ng pagkain, enerhiya at pataba, gayundin ang epekto ng mga kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima.