--Ads--

Iminungkahi ng administrasyong Marcos ang P7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027, katumbas ng 21.7% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.

Mas mataas ito ng 6% o P407 bilyon kumpara sa P6.793-trilyong badyet para sa 2026, ayon sa National Budget Memorandum (NBM) No. 158 na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon, tututok ang panukalang badyet sa mga programang lilikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino at magpapalakas sa katatagan at seguridad ng bansa.

Binigyang-diin din niya na bibigyang-priyoridad ang mga proyektong pang-imprastraktura, kabilang ang pre-construction activities, counterpart funding para sa foreign-assisted projects, at mga pondong kailangan upang mapabilis ang pagtatapos ng mga flagship projects ng pamahalaan.

--Ads--