CAUAYAN CITY – Umabot na sa 42 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Cauayan City batay sa talaan ng City Health Office (CHO).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nurse 1 Joanne De Guzman, Disease Surveillance Coordinator na hanggang noong August 15 ay umabot na sa 42 ang naitatalang active cases sa lunsod pagdating sa Covid-19.
Mild to moderate symptoms lamang ang nararanasan ng mga tinamaan ng virus at sa kasalukuyan ay 25 ang nakahome isolation na nakakaranas ng mild to moderate symptoms.
Nasa pagamutan naman ang 17 at batay sa monitoring ay moderate symptoms ang kanilang nararanasan.
Local transmission lamang ang dahilan ng pagkakaroon ng Covid-19 cases sa lunsod at maaring dahil sa pinagtatrabahuan nila nakukuha o sa kanilang pagbiyahe.
Karamihan naman sa mga pasyente ay bakunado na ngunit may mga hindi pa bakunado na kahit nagpositibo na ay ayaw pa ring magpabakuna dahil sa kanilang personal na rason.
Karamihan din sa mga naitatalang nagpositibo ay nasa 14-anyos habang 9 months old ang pinakabata at ang pinakamatanda ay 70.
Tiniyak naman ng CHO na namomonitor ng mga DOH Nurse katuwang ang barangay ang mga nanatili sa kanilang bahay habang positibo sa Covid-19.










