--Ads--

Pumasok sa top 30 ng pinakabagong WTA rankings ang Filipino tennis star na si Alexandra “Alex” Eala, na umabot sa career-high na No. 29 nitong Lunes.

Tumaas si Eala ng tatlong puwesto mula sa 32 noong dalawang linggo ang nakalipas at nalampasan ang kanyang dating best na No. 31 noong Pebrero 23.

Hindi naglabas ng opisyal na rankings update ang WTA noong nakaraang linggo dahil patuloy ang 1000-tier BNP Paribas Open. Sa naturang torneo, nakarating si Eala sa round of 16 at nakalikom ng 120 points, na nagdala sa kanyang kabuuang puntos sa 1,542.

Ayon sa live rankings, net gain niya ay 110 points, dahil may 10 points mula sa parehong linggo noong nakaraang taon na napalitan ng bagong resulta.

--Ads--