Nagpaalala ang Alicia Police Station matapos na mag viral ang video ng isang lalaki na nagpapahangin lamang subalit napag kamalang magpapatiwakal at tatalon mula sa isang gusali.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Felix Mendoza ang hepe ng Alicia Police Station sinabi niya na nakatanggap sila ng ulat kaugnay sa umano’y nag tangka ang isang lalaki na tumalon mula sa gusali.
Agad ay nagkasa sila ng imbestigasyon at napag-alaman na ang lalaki sa video na kumalt sa social media ay nag papahangin lamang ng kunan ito ng video at sinasabing akmang magpapatiwakal ito.
Giit niya na bago sana mag post sa social media at lagyan ng captions ay dapat pag-isipan muna ng mabuti dahil ang ganitong mga bagay ay nagdudulot ng pangamba sa publiko.
Paalala niya na maging makatotohanan lamang sa posting at huwag gawing negosyo ang social media.