--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging mapayapa ang pagdiriwang ng All Saints Day sa lungsod kahapon.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, wala silang naitalang hindi kanais-nais na pangyayari sa mga sementeryo.

Wala rin umanong nahuling mga nagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay sa loob ng sementeryo gaya ng mga baril at patalim, o mga malalakas na speaker.

Mas kakaunti rin ang pumunta sa mga sementeryo dahil sa malakas na pag-ulan na maghapong naranasan sa lungsod kahapon.

--Ads--

Nananatili namang naka-full alert lahat ang mga kasapi ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, City Disaster Risk Reduction Management Office, Public Order and Safety Division at iba pang ahensya hanggang ngayong araw.