Pinaiigting ng Provincial Anti-Drug Abuse Council o PADAC ang mga hakbang para mapalakas ang anti-drug abuse advocacy sa lalawigan sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga personnel na magiging katuwang sa information, prevention at rehabilitation programs.
Kabilang sa hakbang ng PADAC ang pagsasagawa ng Training of Trainers o TOT on Anti-Drug Abuse Advocacy, Awareness, Prevention and Rehabilitation Assistance, na dinaluhan ng mga personnel na nakahanay sa Provincial Anti-Drug Abuse Council o PADAC-Isabela.
Layunin ng naturang training na mapalakas ang kakayahan at ma-accredit ang mga anti-drug abuse advocacy personnel upang maging handa sa pagsasagawa ng mga engagement at lecture na susuporta sa mga programa ng Provincial Government of Isabela.
Kabilang sa mga programang binibigyang-suporta ng naturang inisyatibo ang Drug-Free Workplace at Drug-Free Community programs ng pamahalaang panlalawigan.
Sa pamamagitan ng Training of Trainers, inaasahang mas mapalawak ang bilang ng mga personnel na may sapat na kaalaman at kakayahan upang magsagawa ng anti-drug abuse advocacy activities sa iba’t ibang sektor at komunidad.
Samantala, bahagi rin ng mga hakbang ng Provincial Government of Isabela ang pagpapatibay ng mga mekanismong may kaugnayan sa proteksiyon at kapakanan ng mga bata, kabilang ang reorganisasyon ng Local Council for the Protection of Children o LCPC sa lalawigan.
Sa ilalim ng Executive Order No. 09, Series of 2026, binuo ang reorganisadong LCPC mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan at mga kinatawan ng iba pang sektor upang suportahan ang mga programa para sa proteksiyon at kapakanan ng mga bata.
Kabilang sa mga tanggapang kinakatawan sa konseho ang Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial Health Office, Provincial Nutrition Action Office, Provincial Planning and Development Office at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Patuloy na pinapalakas ng pamahalaang panlalawigan ang koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan at sektor upang maisulong ang mga programang nakatuon sa drug abuse prevention, awareness, rehabilitation assistance at proteksiyon sa mga komunidad.










