--Ads--

Humiling si Fugitive tycoon Atong Ang sa Department of Justice na huwag isama sa Manila Arena case kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon sa abogado niyang si Gabriel Villareal, binawi ng whistleblower na si Julie Patidongan ang kanyang naunang pahayag at sinabing si Ang ang mastermind sa pagdukot kay John Claude Inonog at iba pang sabungero.

Kasalukuyang nakabinbin ang kaso sa Manila Regional Trial Court. Muling iniimbestigahan ng PNP-CIDG ang kaso upang tukuyin ang mga dating “John Does” at maipataw ang pormal na kaso.

Wala pang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Ang, pero iniimbestigahan ito ng NBI. Iba’t ibang korte sa Region IV-A ang naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

--Ads--