--Ads--

Nagsampa ng mga kasong kriminal si Atty. Manases Carpio laban sa ilang matataas na opisyal at mambabatas dahil sa umano’y ilegal na paglalantad ng bank records nila ng asawang si Vice President Sara Duterte.

 Kabilang sa mga inireklamo sa Office of the Prosecutor sina BSP Governor Eli Remolona Jr., AMLC Executive Director Ronel Buenaventura, at ilang mambabatas gaya nina Rep. Gerville Luistro, Rep. Perci Cendaña, Rep. Chel Diokno, at Rep. Leila de Lima.

Ayon kay Carpio, ang pagsasapubliko sa halos P6.77 bilyong transaksyon mula 2006 hanggang 2025 ay paglabag sa Bank Secrecy Law at Data Privacy Act, at bahagi lamang ng maruming propaganda laban sa kanilang pamilya.

“Neither I nor my wife VP Sara has ever consented to the AMLC or any of its officers and staff to make public any transaction reports in relation to our bank accounts,” giit ni Carpio at bahagi aniya ito ng “political propaganda and harassment”.

--Ads--

Binigyang-diin din niya na wala umanong pinapayagang exception ang batas sa ganitong uri ng paglalantad, kahit pa may subpoena mula sa Kongreso.