--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtapos na kahapon ang dalawang araw na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ng Pamahalaan na ginanap sa Lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan information Officer ng City of Ilagan sinabi niya na naging matagumpay ang pagdaraos ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at walang naitalang anumang hindi inaasahang pangyayari maliban sa ilang nahilo dahil sa dami ng taong dumalo.

Naging bahagi ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ang maliliit na negosyo at naihatid nila ang nasa isang daan apatnapu’t limang program and services sa loob ng dalawang araw na fair.

Aniya alas tres pa lamang ng madaling araw ay marami na ang mga nakapila para makakuha ng mga libreng serbisyo ng pamahalaan.

--Ads--

Gayunman ay marami pa rin ang hindi nakapunta sa dalawang araw na Serbisyo Fair dahil sa masamang panahon kaya ibababa nila ang iba’t ibang programa ng Pamahalaan sa bawat Local Government Units sa Lalawigan ng Isabela.

Samantala, simula sa unang araw ng Disyembre ay bubuksan na nila ang Paskuhan village at sisimulan na ngayong araw ang pagbubukas ng iba’t ibang booths ng mga small Medium Interprises.

Habang inihahanda na rin ang taunang pamaskong handog para sa mga residente ng Lunsod ng Ilagan.