--Ads--

Mas pinaigting ngayon ang paghahanda ng Department of Public Order and Safety Office (DPOS) ng Santiago City kaugnay ng inaasahang pagdagsa ng mga tao sa nalalapit na selebrasyon ng Balamban Festival.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPOS Chief Modesto Cabanos III, sinabi niya na makaaasa ang publiko sa mas pinaigting na visibility ng kanilang mga tauhan, lalo na sa mga pangunahing lugar na pagdarausan ng mga aktibidad.

Aniya, pangunahing tungkulin ng kanilang tanggapan ang maayos na pangangasiwa sa daloy ng trapiko at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, partikular sa malalaking kaganapan gaya ng festival.

Gayunman, nilinaw ng DPOS na hindi pa tiyak ang pinal na bilang ng mga ide-deploy na personnel dahil hinihintay pa nila ang opisyal na schedule of activities mula sa City Government of Santiago.

--Ads--

Sa kabila nito, tiniyak ng ahensya na nakahanda na ang kanilang mga plano at hakbang upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng publiko sa buong panahon ng selebrasyon.