--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ang isang barangay kagawad na dating drug surrenderer sa isinagawang drug buy-bust operation sa Minuri, Jones, Isabela.

Ang inaresto ay si barangay Kagawad Francis Mart “Bong” Apolinario, 37 anyos, may-asawa at residente ng Minuri, Jones, Isabela.

Lumabas sa monitoring at surveillance ng mga otoridad na nagbebenta si Apolinario sa Jones at mga kalapit na bayan sa Isabela kaya isinagawa ang buy-bust operation.

Ito ay isinagawa ng puwersa ng Jones Police Station, Regional Intelligence Division (RID), Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), Provincial Intelligence Branch ng Isabela Police Provincial Office (PIB-IPPO), 3rd Platoon 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) at 205th RMFB sa kanilang koordinasyon sa PDEA region 2.

--Ads--

Nakumpiska nila kay Apolinario ang buy-bust money na 500 pesos, 3 heat sealed transparent plastic sachets na hinihinalang naglalaman ng shabu at motorsiklo na walang plaka.

Nasa kustodiya na ng Jones Police Station ang barangay kagawad at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.