Posibleng bumaba ng hanggang P4 kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, na maaaring magbigay ng ginhawa sa mga motorista matapos ang sunod-sunod na oil price hike.
Batay sa isang source, maaaring magkaroon ng rollback na P3.50 hanggang P4 kada litro sa diesel, habang 25 hanggang 75 sentimos kada litro naman ang posibleng ibaba sa presyo ng gasolina.
Posible rin umanong bumaba ng nasa P3.80 kada litro ang presyo ng kerosene.
Batay ang inaasahang rollback sa apat na araw na trading sa pandaigdigang merkado ng langis. Gayunman, maaari pa itong magbago matapos ang huling araw ng trading nitong Biyernes.
Nauna rito, tumaas nitong Martes ang presyo ng gasolina ng P1.08 kada litro, diesel ng P2.31 kada litro, at kerosene ng 95 sentimos kada litro.









