--Ads--
Isinakay ang isang bedridden na ama mula sa kanilang tahanan sa kabundukan patungo sa isang pay-out center sa Dibibi, Cabarroguis, Quirino gamit ang “patuki” o “pasagad” upang makuha ang kanyang ayuda.
Ayon sa viral na post ng anak niyang si Roldan Elacio Pelerio, tila walang plano ang ahensyang nagbibigay ng ayuda na magsagawa ng door-to-door payout kahit na hindi makalakad ang benepisyaryo.
Sinabi ng anak na umaabot ng halos isang oras ang biyahe depende sa bilis ng kalabaw na naghatid sa kanyang ama sa pay-out center. Inamin din niyang siya ang kumuha ng video upang maipakita ang sitwasyon, na posibleng makatulong sa kanilang kaso.
Sa kabila ng hirap ng paglalakbay, nakapag-claim ng ayuda ang kanyang ama.
--Ads--











