--Ads--

CAUAYAN CITY – Hiniling ng grupo ng mga magsasaka na tulungan sila ng Department of Agriculture (DA) upang maiwasan ang over supply ng mga inaani ng mga magsasaka sa lalawigan ng Benguet.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Manager Agot Balanoy ng Benguet Farmers Cooperative na sa halip na magsisihan ay mas makakabuting humanap ng solusyon sa over supply ng repolyo.

Umabot sa limang piso ang kada kilo ng repolyo matapos manalasa ang Bagyong Henry ngunit sa ngayon ay wala ng over supply sa naturang gulay.

Ang pahayag ng DA na kasalanan ng mga magsasaka kung bakit nagkakaroon ng over supply ng repolyo ay hindi naman dapat na ipakasalanan sa mga magsasaka dahil ang trabaho lamang nila ay magtanim.

--Ads--

Upang makontrol ang oversupply ng mga gulay na itinatanim ng mga magsasaka ay dapat lamang na tulungan sila ng mga mga opisyal ng lokal na pamahalaan at  DA.

Sa ngayon ang Committee on Agriculture sa Benguet kasama  ang DA-CAR  ay  nagsasagawa  ng  Crop programming para sa mga magsasaka.

Layunin ng programa na matukoy kung ilan ang ma-produce na supply ng mga gulay sa isang taniman.

Kailangang maintidihan at maipaliwanag ng mabuti sa mga magsasaka ng gulay ang galaw ng merkado upang magtagumpay ang kanilang crop programming.

Umaasa sila na magiging maganda na ang kalalabasan ng naturang programa na sinusunod ngayon ng mga magsasaka upang maiwasan ang over supply ng mga gulay.

Tinig ni Agot Balanoy, Manager ng Benguet Farmers Cooperative.