--Ads--

CAUAYAN CITY – Ihahatid ngayong araw sa kanyang huling hantungan si Bishop Emeritus Joseph Benedict Amangi Nacua sa Lipa City, Batangas.

Limang araw na ibinurol ang labi ni Bishop Nacua sa Capuchin Retreat House sa Lipa City, Batangas.

Ang obispo na naglingkod sa Diocese of Ilagan ng siyam na taon ay sumakabilang buhay noong September 10, 2022 sa edad na 77 sanhi ng kanyang matagal ng karamdaman.

Dinala siya sa ospital sa Lipa City noong September 8, 2022 kung saan siya na-comatose at sumakabilang buhay noong September 10.

--Ads--

Matatandaang tinanggap ni Pope Francis ang resignation ni Bishop Nacua noong February 2017 dahil sa kanyang suliranin sa kalusugan.

Noong 2015 ay na-stroke si Bishop Nacua ngunit siya ay naka-recover.

Pinalitan siya ni Bishop David William Antonio noong 2019.

Si Bishop Emeritus Nacua na isinilang sa Mankayan, Benguet noong January 5, 1945 ang unang Capuchin missionary sa bansa at nahirang na obispo noong 2008.

Siya ay naordinahang pari noong 1971 sa General Santos City at naordinahang obispo noong August 19, 2008 sa Ipil, Zamboanga-Sibugay.