Umaasa ang Bureau of Plant Industry (BPI) na maaaprubahan ngayong taon ng United States ang kahilingan ng Pilipinas na payagang makapasok ang sariwang pinya sa lahat ng US ports, mula sa kasalukuyang limitadong access sa ilang lugar lamang.
Ayon kay BPI Director Gerald Glenn Panganiban, positibo ang kanilang naging pag-uusap sa US Animal and Plant Health Inspection Service (APHIS) at posibleng maaprubahan ito kung wala nang magiging pagtutol mula sa mga stakeholder.
Kapag natuloy ang expanded market access, inaasahang tataas ang taunang eksport ng pinya ng Pilipinas mula 600 metric tons hanggang 19,200 metric tons. Lumalakas din ang demand para sa lokal na pinya sa US at Middle East, habang nananatiling ikalawang pinakamalaking exporter ng pinya sa mundo ang Pilipinas.











