--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado sa isang drug buy bust operation ang isang Barangay Kagawad Candidate ng Aglipay Quirino dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Purok Namnama, Barangay Magsaysay, Saguday, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. William Agpalza ang hepe ng Saguday Police station sinabi niya na ikinasa nila ang operasyon katuwang ang Municipal Drug Enforcement Unit, Quirino Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit at PDEA Region 2 ang isang buy bust operation na nagresulta ng pagkakadakip ni Francis, tatlumpu’t dalawang taong gulang, at Barangay Kagawad Candidate sa isang barangay ng Aglipay Quirino.

Aniya, nakuha sa pag-iingat ni Francis ang limang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng 3,400 pesos, buy bust money at sasakyan na ginamit nito sa pakikipag transaksyon.

Bago nadakip ang supek ay nagsagawa ang Saguday Police Station ng masusing monitoring hanggang sa nasakote nila ito.

--Ads--

Napag-alaman na ang suspek ay dating Sanguniang Kabataan Chairman at tokhang responder mula sa Aglipay Quirino.

Bilang bahagi ng monitoring sa mga tokhang  responder ay sasailalim sana sa Adjudication at nakatakdang magpa-drug test subalit paulit-ulit umano itong hindi sumisipot.

Dito na naghinala ang Pulisya lalo at napansin nila na may iligal itong ginagawa kaya agad silang nagsagawa ng imbestigasyon.

Hindi naman matukoy ngayon ng Pulisya kung saan gagamitin ng suspek ang mga napagbebentahan nito ng shabu lalo at kasalukuyan na ang campaign period.

Sa kabila naman ng pagkakadakip ng Barangay Kagawad Candidate ay maaari padin itong bumoto sa Barangay at Sanguninang Kabataan Elections sa araw ng lunes.