CAUAYAN CITY – Nakatakda na ang CARAVAN ng DA region 2 upang maipamahagi ang financial assistance sa mga magsasaka ng palay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2 na naantala ang pamamahagi ng financial assistance sa mga magsasaka ng palay na galing sa Rice Tarrification Law dahil sa masalimuot na proseso nito.
Kailangan aniyang suriin ng system program ng ICTC upang masuri kung nagkaroon ng duplication dahilan kaya natagalan ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka.
Aniya, umabot sa mahigit 233,000 na magsasaka ang makikinabang sa financial assistance at nakahanda nang ipamahagi sa susunod na linggo.
Uunahing ibigay ang mga vouchers sa mga benepisaryong magsasaka at sila na ang kukuha sa DBP o sa mga USSC sa mga bayan.
Binibilisan na nila ang encoding para maberipika ng system program ng kanilang computer upang agad na maibigay na sa mga magsasaka ang financial assistance.










