
CAUAYAN CITY – Nakafull alert na ang Cauayan City Airport Police Station kasabay ng pagdagsa ng mga biyahero sa paliparan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCapt. Noraleen Lannu, hepe ng Cauayan City Airport Police Station na nakafull alert sila ngayon para sa halalan at sa undas at nakadeploy na ang lahat ng mga kasapi ng Cauayan City Airport Police Station.
Aniya, nadagdagan na ang bilang ng mga dumarating na pasahero mula sa Metro Manila habang sa mga coastal town ay dumami rin ang mga nagtutungo roon.
Wala pa namang abiso na magdadag ng flight ang mga airline companies.
Nakiusap naman sila sa mga biyahero na huwag magdala ng amulet bullet o ang ginagamit na anting-anting dahil kinukuha nila ito.
Maari ring maantala ang kanilang biyahe at may posibilidad pa na hindi matuloy ang kanilang flight.
Payo niya na magdala na lamang ng ibang bagay na pwedeng maging gabay nila sa pagbiyahe.
Hindi rin aniya pwedeng magdala ng pagkain dahil mahigpit itong ipinagbabawal.










