--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinaas ng Cauayan City Disaster Risk and Reduction Management Office (CDRRMO) sa red alert ang Cauayan City dahil sa bagyong Florita.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Special Operations Officer II Michael Cañero, sinabi niya na nakataas  sa red alert ang lunsod kasabay ng natanggap nilang  memorandum mula sa Cagayan Valley Regional DRRMC.

Kahapon ay dumalo sila sa PIDRA na isinagawa ng Cagayan Valley Regional DRRMC para makita ang paghahanda may kaugnayan sa preparedness measures.

Naabisuhan na rin ng CDRRMO ang mga barangay sa lunsod na ihanda agad ang mga evacuation center at ang mga water equipment tulad ng bangka, up board motors at mga life vest para sa kaligtasan ng mga mamamayan.

--Ads--

Tiniyak din na ang mga CSWDO ay may stock files at nakahanda ang 600 piraso ng food packs, 500 piraso ng non-food items at 49 na piraso ng OCD family food packs.

Nakahanda na rin ang mga itatalagang kasapi ng PNP at disaster response team.

Aniya, lagi  silang handa kahit wala pa ang bagyo at ginagawa rin nila ang daily monitoring upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan ng lunsod ng Cauayan.

Tinig ni Special Operations Officer II Michael Cañero.