
CAUAYAN CITY – Tinututukan ngayon ng pansin ng pamunuan ng Cauayan City Police Station ang patuloy na pagkakasangkot ng mga kabataan sa iba’t ibang krimen sa lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Esem Galiza ang Deputy Chief of Police ng Cauayan City Police Station kanyang sinabi na karamihan sa mga kabataan na kanilang nahuhuli ay sinasabing inaaya lamang sila ng kanilang mga barkada.
Aniya madali umanong naiimpluwensiyahan ang mga kabataan lalo na kung kaibigan nila ang nag-aaya sa kanila na gumawa ng krimen tulad ng pagnanakaw.
Aminado siya na lumalakas ang loob ng ilan sa mga nahuhuli lalo’t alam umano ng mga kabataan ngayon na nagnanakaw dahil alam nilang hindi sila maaaring makulong.
Sa kabila nito ay tiniyakniya na ginagawa ng Pulisya ang mga kailangang hakbang para masigurong wala nang kabataan ang masasangkot a krimen.










