--Ads--

CAUAYAN CITY – Mamahagi ngayong araw ang Cauayan City Veterinary Office ng sentinel piglets sa ilang benepisaryo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Ronald Dalauidao, City Veterinarian na mamamahagi muli sila ng 77 sentinel piglets sa 77 beneficiaries.

Ipapamahagi  ito ng Department of Agriculture sa 2nd batch na namatayan noon ng alagang baboy.

Siyamnapu sana ang ipapamahagi nila ngunit hindi pumasa sa validation ang iba na walang pangalan sa masterlist habang ang iba naman ay hindi na nakapaghintay at bumili ng sariling mga biik kaya automatikong disqualified na sila.

--Ads--

Tulad ng dati ang mga benepisyaryo ay kailangan na mayroong malinis na kulungan, walang laman na ibang baboy, na-disinfect at mayroong net upang hindi madapuan ng sakit ang piglets na ipamamahagi.

Tinig ni Dr. Ronald Dalauidao.