--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipagbabawal pansamanatala sa Alicaocao Bridge ang mabibigat sa sasakyan na may bigat na limang tonelada (5 tons) pataas dahil sa nakitang butas sa gitna ng tulay at upang mapigilan ang lalo pang pagkasira nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na nagkaroon na sila ng emergency meeting kasama ang City Engineering Office, City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), POSD at CLGO.

Layunin ng emergency meeting ang mabilisang rehabilitasyon ng Alicaocao Bridge matapos makita ang butas sa gitna ng tulay.

Agad silang magsasagawa ng information drive sa lahat ng mga residente sa Forest Region na siyang pangunahing nakikinabang sa tulay.

--Ads--

Isa sa nakikita o posibleng sanhi ng butas sa gitna ng tulay ay ang katandaan o kalumaan dahil nanatili itong bukas sa loob ng 35 na taon.

Pangunahing gagawin ay ang pagbabawal sa lahat ng mga mabibigat na sasakyan na dumaan sa tulay maging mga truck na magkakarga ng agricultural products.

Plano nila ngayon na maglagay ng vertical clearance upang mapigilan ang malalaking truck na magpupumilit dumaan sa tulay lalo na sa gabi kung kailan walang mga nagbabantay.

Puntirya ng City Government of Cauayan na matapos ang rehabilitasyon bago ang pagbubukas ng klase sa June 16,2025

Epektibo ang pagbabawal sa mabibigat na sasakyan mula ngayong araw hanggang sa matapos ang pagsasaayos sa tulay.

Nakikiusap sila sa pakikipag tulungan ng publiko dahil sa inaasahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar partikular sa bahagi ng Barangay Alicaocao, pinapayuhan ang lahat na kung maaari ay dumaan pansamantala sa alternatibong ruta sa bahagi ng Naguilian, Isabela.