--Ads--

CAUAYAN CITY- Minamadali na ng City Government of Cauayan ang pagsasaayos sa nabutas na bahagi ng Alicaocao Overflow bridge para sa nalalapit na pasukan sa susunod na Linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguninang Panlunsod Member Egay Atienza, sinabi niya na patuloy silang nakikipag ugnayan sa Engineering Office para sa timely update sa kasalukuyang estado ng ginagawang rehabilitasyon sa Alicaocao Overflow Bridge.

Aniya tuloy-tuloy ang construction sa nabutas na bahagi ng tulay para maihabol na muling mabuksan ito bago ang pasukan sa June 16.

Una na ring ipinag utos ni Mayor Jaycee Dy na padaliin ang ginagawang pagsasaayos para hindi mahirapan ang mga estudyante sa pasukan.

--Ads--

Sa katunayan maliban sa Alicaocao Bridge ay tuloy tuloy din ang construction ng dalawang all-weather bridge sa bahagi ng Sta. Luciana at San Pablo bridge.

Muli naman niyang nilinaw na hanggang ngayon ay ipinag babawal ang anumang uri ng sasakyan maging single motorcycle sa Alicaocao Bridge at tanging mga pedestriane lamang ang pinahihintulutan subalit pinapayagan ang pagbababa at pagsasakay ng pasahero sa approach ng tulay kung emergency situation.

Kung maisasaayos na at muling bubuksan ang tulay ay pananatilihin nila ang mga panuntunan na ipinapatupad at tuluyang ipagbabawal ang malalaking truck na may bigat na higit limang tonelada pataas para mapatagal ang life span ng tulay.

Pinapayuhan ang mga cargo maging ang mga malalaking truck na magtutungo sa East Tabacal at Forest Region na umikot na lamang sa bayan ng Naguilian.