--Ads--

CAUAYAN CITY  –  Isinailalim sa 14 na araw na  lockdown o  Enhanced Community Quarantine o ECQ  ang kabisera ng Isabela dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases bunsod ng local transmission .

Sa isinagawang pagpupulong ng City Inter-Agency Task Force (CIATF) at mga opisyal ng barangay ay inihayag ni Mayor Josemarie Diaz ng Lunsod ng Ilagan na magsisimula ang ECQ mamayang  alas otso ng gabi hanggang sa ika-30 ng Oktubre.

Sinabi ni Mayor Diaz na isasara ang mga entry at exit points sa 91 barangay at inatasan ang mga pulis na mag-ikot para matiyak na susunod ang mga residente sa mga panuntunan.

Una rito ay isinailalim ang lunsod sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula noong ika-6 ng Oktubre at magtatapos sana mamayang gabi.

--Ads--

Mananatili namang bukas ang city hall at papasok pa rin ang mga kawani para manguna sa repacking ng mga relief packs na ipapamahagi sa mga residente ng Lunsod ng Ilagan.