--Ads--

Patay na nang makita ang dalawang magkapatid na tatlong araw ng nawawala sa bulubunduking bahagi ng Caganayan, Tineg, Abra kahapon.

Ang magkapatid ay sina alyas Mak-mak at alyas mark na kapwa minor de edad.

September 2 nang iulat ng isa sa mga kapatid ng mga biktima ang pagkawala ng dalawa sa mga awtoridad na agad ring nahanap kahapon subalit sa kasamaang palad wala na silang buhay.

Sa ngayon tinutukoy pa ng pulisya ang sanhi ng pagkasawi ng mga bata.

--Ads--

Nagpasalamat naman ang pamilya ng mga bata sa mga awtoridad at mga kakilala na sumama sa paghahanap sa mga ito.