--Ads--
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang karagatan sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental bandang madaling araw nitong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang pagyanig dakong 12:34 a.m., at tectonic ang pinagmulan, na may lalim na humigit-kumulang 10 kilometro.
Naramdaman ang Intensity nito sa mga sumusunod na lugar:
- Intensity III – Malungon, Sarangani
- Intensity II – City of Digos, Dvao Del Sur; Santa Maria, Davao Oriental; Malapatan, Sarangani
- Intensity I – Matanao, Davao Del Sur; Tupi, South Cotabato
Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang pinsala mula sa lindol, ngunit maaari pa ring makaranas ng mga aftershock sa mga susunod na oras o araw.
--Ads--
Patuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad sakaling magkaroon pa ng mga kasunod na pagyanig.











