--Ads--

CAUAYAN CITY – Isiniwalat ni Dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo kung papaano sila nakatakas mula Pilipinas patungong bansang Malaysia.

Matatandaan na nakalabas ng bansa ang tinanggal na Mayor kasama ang kanyang mga kapatid na sina Shiela at Wesley.

Sa pagdinig ng senado, inamin ni Guo na isang foreign national ang tumulong sa kanilang pagtakas.

Anya, mula sa isang pantalan sa Maynila ay sumakay sila sa yate bago mag alas-10:00 ng gabi at matapos ang ilang oras ay lumipat sila sa mas malaking barko kung saan nanatili silang magkakapatid sa isang silid.

--Ads--

Matapos ang tatlo hanggang limang araw na nakasakay sa barko ay lumipat sila sa isang maliit na bangka hanggang sa makarating sila sa Malaysia.

Pagsisiwat pa niya na isang asyanong babae ang nag-asikaso sa kanila habang patungong Malaysia kung saan habang nasa barko kinuha rin ng naturang babae ang mga cellphone ng magkakapatid na Guo.

Ayon pa kay Guo, walang pilipinong tumulong sa kanilang pagtakas.