--Ads--

Plano ng Department of Energy na ibenta ang natitirang LPG reserves ng Philippine National Oil Co. upang mabawasan ang gastos sa storage.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, hindi na kailangang mag-restock matapos maubos ang kasalukuyang supply dahil may diversified sources na ang mga pribadong distributor.

Noong Mayo, nakakuha ang DOE at PNOC ng 21,000 metric tons ng LPG mula sa Estados Unidos bilang dagdag na supply.

Samantala, pinag-aaralan din ng DOE kung isasama ang LPG sa strategic petroleum reserve program ng bansa.

--Ads--